Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Edrin Escartin

My Mama dear! 
                          
        Ako si Edrin Escartin,ipinanganak ako sa San Francisco Calihan dito rin ako sa bayan  ng San Pablo Laguna.Ako ay labing pitong gulang na, ipinanganak noong Pebrero 7 1994. Ang mga magulang ko ay si Nancy  Escartin at Edwardo Escartin.Ang aking ina ay taong bahay lang ang aking ama ay isang construction worker.Ako ay masaya dahil nabigyan ako ng mababait at mapagmahal na magulang.Ako ay bunso sa apat na magkakapatid,dalawa kaming lalaki at dalawang babae.Ang dalawa kong kapatid na babae ay meron nang mga asawa.Ang pagkakaalam ko nung ako ay bata ay aampunin sana ako nang aking tiyahin, pero dahil                          sa sobrang mahal ako ng aking ina ay hindi siya pumayag ako ay bininyagan sa malaking simbahan ng San Pablo madami akong mga ninong at ninang. Medyo mataba pa ako kung titingnan sa aking litrato. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng aking mga ninong at ninang ay iisa lang ang kilala ko at iyon ay si ninong Robert. Pero siya rin ay umalis at pumunta ng Visaya sa kadahilanang siya ay nakapatay dahil sa kalasingan. Hanggang sa ako ay lumaki na at mag kamalay sa buhay ay hindi ko na siya nakita pa.

            
Parteh! Parteh! :D
Eto ako ang una kong  kaarawan.Di ba mataba pa ako eto ako ngayon nanga-ngayayat.Di naman kapos
sa pagkain.Ewan ko ba baka sadyang ganito ang tadhana ko.Minsan din akong iyakin at masaya din pag minsan.Pag ako ay nagising ng wala sa oras ay iiyak ako ng matagal dahiil nga sa bata pa ako ay hindi ko mapigilang umiyak,lalo na ako ay mahiyain din.






   Bago ako pumasok ng Grade 1 ay tinuruan na akong magsulat ng aking ina gamit ang mga tuldok. Ako ay pumasok sa paaralang elementarya ng Ambray, ako ay sobrang kinakabahan dahil sa unang araw ng pagpasok. Marami akong naging kaibigan, ang naging guro ko ay si Mam.Manicad kapag walana kaming ginagawa ay pinapatulog kami kahit saan mang sulok ng silid aralan o kaya naman tinutulungan namin ni Jeffrey na maglampaso sa office at maglinis ng CR ang aming principal. Lagi akong hinahatid ng aking ama at dinadalhan naman ako ng aking ina ng aking kakainin para sa tanghalian. Minsan may oras akong napaihi sa saluwal mabuti na lamang nung nangyari iyon ay awasan na.Umuwi ako noong basang-basa ang saluwal.Dahil
sa hiyang inabot ko ay parang ayaw ko ng pumasok pero pinilit ko. Ng malapit nang magtapos ang paghihirap ko sa pagiging Grade 1 ay binanggit na ni mam na ang maaaring mabigyan ng sabit at ako ay
napasali dun bilang isang masikap na bata.Sobrang saya ng aking ina

   Dito rin ako nag Grade 2, at ang naging guro ko ay si Mam Lim isang singkit na maputing babae. dito ko nakilala ang babaeng nagpatibok ng aking puso ito ay si Lyka. Dahil sa nagustuhan ko siya ay lagi ko siyang
isinusulat ng aming mga lecture. Ako kasi ang pinakamabilis na magsulat sa aming magkakaklase.Dito ko rin nakilala si Marivic ang pinakamataba naming kaklase.Lagi siyang nanlilibre ng pagkain tuwing recess.Kaya hindi ko siya makalimutan.
                   
   Nung Grade 3 naman ay isang guro na maputi at matanda na si Mam Abril. Dito na ko natutong magsulat gamit ang ballpen.Ang dumi ng aking mga notebook dahil sa pamali-mali ang mga sulat ko.Grade 4 ay nakilala akong madaming babae.Ang aking guro ay si Mam Delamar mataray kung minsan at adviser sa English Grade 5 naman ay malapit na akong makatapos ng pag aaral dito natutunan na rin namin ang saya sa kidsprom.Isinayaw ko ang aking mga crush.At sa hindi inaasahan ay nadapa ako dahil sa kahahabol sa aking crush.madami ang nakakita at ako ay napahiya.Kumuha na kami ng mga babae
para isayaw.Picture taking at iba pa.

YAHOO!!
 Nang ako naman ay naging Grade 6  si Mam Kuhonta na yata ang pinakamabait pero mataray din pag minsan.Siya ay nagtampo sa aming magkakaklase dahil sa sobrang ingay namin.Hindi man lang siya pumunta
sa aming silid aralan.Lagi siyang nasa bestfriend niya na si Mam Dionglay.
Dahil doon nalungkot kami sa nangyaring iyon.Dumating ang araw na kami ay magkakahiwa-hiwalay na.marami sa amin ang nagpapaalam na sa isat'isa.Ako rin ay napatulo ang luha dahil mamimis ko ang aking kaibigan at mga guro. Sa huling sandaling iyon ay nayapos ko ang crush ko,at nagpaalam sa kanya.Naghanda ng kaunting salu-salo para sa aking pagtatapos.










  Panimulang pagsubok ang dumating sa akin ng ako ay papasok na ng HighSchool.Ang ilan sa mga kaklase ko ay nakita ko rin dun para mag paenroll. Ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon.ang una ko ditong naging guro ko dito ay si Mam. Brinas.Marami kaming mga nilalabanan na mga kompetisyon,laging nakakapasok sa umpisa pero talo sa huli.May mga umiiyak na mga kaklase kong babae.Dito rin ako pumasok ng Second year .Ang naging guro ko dito ay  MAm.Rivera,mabait siya kahit kami ay maingay.Masaya kami noong kami ay lalaban ng Florante at Laura.Pero hindi namin ito napaghandaan kaya kami ay natalo.Noong third year naman hindi pa namin kilala ang isat-isa dahil marami ang nabago sa aming mga kaklase.Ang naging guro ko dito ay si Mam Baylon mataba,mabait at palatawa.Isa nayata siya sa pinakapaborito kong guro.Hindi namin alam na kami ay mapapasali na sa Juniors and  Seniors prom.Wala kaming ideya kung anu ang susuotin ayon pala ay simple lang.Dahil sa ako ay mahiyain hindi ako sumayaw pero masaya narin ako at madami akong nakitang magagandang babae.Ngayon ako ay nasa ika apat na taon na dito sa Dizon High.Malapit na ang aming hinihintay na pagtatapos parang saglit ang isang taon dito sa eskwelahan.Sumali at nagsaya sa JS prom namin,pero tulad ng dati hindi ako sumayaw.Masaya narin ako dahil mababait ang guro na nagtuturo sa amin at nagtitiis kahit kami ay maiingay at magugulo.Kulang man ang ensayo para sa cheerdance ginalingan na lang namin hanggang sa aming makakaya.Dahil dun nagbunga ng maganda,kami ay nagpangapat sa mga nanalo.Dahil tuwang-tuwa na rin kami at may nakuwa sa aming pinaghirapan.Parang pag hindi inaasahan may surpresang darating,konting dasal lang at konting pagtutulungan para sa ikagaganda ng lahat.Kami ang 4-E,eto na kami magulo pero may pagkakaisa eto rin ang aking talambuahy minsan may oras na malungkot may masaya at magulo.                                                                     
Happy Friends.
                                                


                                                                                       





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento