Martes, Pebrero 22, 2011

My Untold Story :) Ang Talambuhay ni Joana Paula S. Fernandez.



ako ng 3rd yr. high school
Sino nga ba ako??paula na sa kilalang "polah".Ako nga pala si Joana Paula S. Fernandez. Ipinanganak noong Enero 13,1995 sa Quezon City. Bininyagan sa Sto.Domingo church sa Quezon. Ang mga magulang ko ay sina Bienvenido Fernandez at Elgene Salvan. Kami ay apat na magkakapatid. Ito ay sina Elvin Francis Fernandez, Armel Irish Fernandez at Ferdinand Allan Fernandez. Ako ay bunso sa aming apat na magkakapatid kaming magkakapatid ay magkakahiwalay sapagkat ang aming mga magulang ay hiwalay na kaya’t ang tatlo kong kapatid ay luamaki sa aming Lola at ako ay sa aking mama. Mga dalawang taong gulang ako ng ako ay nasa mama ko sunod ako sa layaw ng aking mama dahil lahat nalang ng gusto ko ay nakukuha ko dahil pag minsan ay nagtatrabaho si mama at iniiwan niya ako sa kanyang kapatid na babae. Para pang babing-baby ako kung ituring dahil sabi nila ay mukha akong manika, dahil ang puti ko noong bata at ang liit pa ng mukha. Hehe. Ako ay madalas dalhin ng Mama ko sa Jollibee, at madalas kaming mamasyal at ibinibili niya ako ng laruan, ngunit ang mga laruang gusto ko ay mga pang Lalake tulad ng baril-barilan, kotse, at mga sundalo. Hindi ko alam kung bakit ganung mga laruan ang aking gusto. Ngunit ng mga apat na taon na ako,hinatid ako ng mama ko sa San Pablo kung nasaan na andun ang aking mga kapatid, at andun din ang aking lola, mga tito at mga pinsan sa Father side.



me with my brothers
   Noon ko lamang nalaman na may iba pa pala akong kamag-anak at kapatid. Akala ko ay magiging maayos na ako nung dinala ako sa San Pablo yun pala ay hinatid lang ako ng mama ko kay daddy at biglaan na kaming nilayasan ni mama. Ang huling sinabi lang ni mama sa akin nung iniwan niya ako ay “Dito ka muna ha, bibili lang ako ng pagkain babalikan kita,pakabait ka” Hindi ako pumayag na umalis si mama at hindi ko din alam na iiwan niya pala ako. Ako ay iniwan sa Lola ko, ako ay umiyak hanggang sa mag-umaga na, ang lahat ng mga kamag-anak ko ay pinatatahan ako sa pag-iyak. Hanggang sa malimutan ko na yung pangyayaring iniwan ako ng mama ko. Hanggang sa mag limang taong gulang na ako, tinuruan na agad ako ng aking mga kapatid na sumulat at bumasa. Sila ang tumutulong sa akin upang ako ay magka-muang sa mundo. Sa tulong din ng aking lola na nag-aalaga sa akin kapag wala ang mga kapatid ko, ang daddy ko naman ay nasa trabaho kaya’t hindi na niya kami naalagaan. Umuuwi lang siya kapag minsan. Hanggang sa mag anim na taon na ako, ako ay pinasok na agad ng lola ko sa grade 1. Hindi na ako pinag kinder. Pumasok ako sa San Marcos Elementary School. Ako ay kinakabahan pang pumasok, dahil wala pa kong kaalam-alam sa nangyayari, batang-bata pa ang isip ko ng mga panahong iyon, madalas lamang akong natutulog sa eskwelahan o di kayaý nagdadrawing at kumakaen. Wala pa akong kakilala noon yung pinsan ko lamang na kaklase ko pero mas matanda siya sa akin. Nang medyo tumagal na, ako ay natuto nang bumasa at magsulat. Sinasabi ng aking mga guro na magaling akong bumasa, ngunit tamad namang sumulat. Pag minsan pangaý tinuturuan ko ang mga kaklase kong bumasa ng mabilis. Ewan ko ba kung bakit ang bilis kong matutong bumasa. Noong mag-grade II naman ako,puro na lang kakulitan ang alam ko. Ako ay palagi nalang naglalaro pag minsan pangaý sa mga lalake ako nakikipag-laro. Hanggang sa mag grade III ako, wala na akong alam kundi ang paglalaro dati ay madaming mga gamit ang nasisira ko sa eskwelahan kaya naman kinakainisan na ako ng mga guro. At lagi akong sumasagot sa mga nakatatanda.At nung minsay nawala ang aking libro kaya naman hindi ko alam ang aking gagawin sapagkat napaka taray ng aking guro.Kaya naman malimit akong pag sabihan ng mga guro, dahil bata palang ako ay pasaway na. Noong mag grade IV naman ako, dito ko nalaman ang kahalagahan ng pag-aaral. Dahil ako na ang nangunguna sa aming klase. Ako na ang nagiging lider kapag may mga grupo dito ko din naipakita ang mga talento ko, tulad ng pag-sayaw,umarte,kumanta at pag minsan ako ang komidyante sa aming klase. At pag minsan ay inilalaban ako sa spelling bee, ngunit hindi naman napipili, at maging sa pag-tula. Dito dumating sa puntong ito nang nawalan ng trabaho ang daddy ko, kayat naging masalimuot din dati ang .Syempre hindi naman un maiiwasan db ?? :) . Dito rin ako nagkaroon ng step-mom sila ay nagka anak ni daddy, kaya’t naging lima kame. Nagkaroon ako ng kapatid sa labas. Ngunit nagkahiwalay din sila. Noong nag grade V nman ako, dito na ako nagkaroon ng mga crush crush hehe .. dito rin ako nagkaroon ng loveteam syempre mga bata pa, kayat kung anu anu na lamang ang mga naiisip.




cousins,auntie and brother. :))
 Nung mag Grade VI nman ako, nagkaroon na din ulit ako ng panibagong step-mom, siya ay mabait, at maalaga. Nang sa panahong iyon ay nagkaroon na din ng trabaho si daddy , kayat nakaahon naman sa pagtitiis. Nagging isang tunay na pamilya kami, dahil naging isang mabuting ina ang tingin namin sa aming step-mom. Siya na ngayon ang tinatawag kong mama. Dito ko naranasan ang pagkakaroon ng isang ina. Ginampanan niya ang pagiging isang tunay na ina sa amin. Pinuno niya ng pagmamahal ang pag suporta niya sa amin. Dahil nga sa sobrang pangungulila naming sa tunay na ina. Hanggang sa maka-graduate na ako, hindi ko na naisip ang tunay kong mama,dahil masaya na kami ng panahong iyon.At nang mga panahong iyan, nagiging spoiled ako, dahil lahat na lang ng gusto ko ay nasusunod.

with my cousin's wedding


















      At nang mag ha-hayskul na ako, ako ay kinakabahan dahil hindi ko pa alam ang feeling namaging hayskul para bang kinakabahan. Sa private school sana ako pag aaralin kaso ay marami pang hinihinging mga requirements kayat ipinasok na lamang ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Nung mag 1st year ako hindi ko alam ang gagawin ko nung una dahil first time nga eh. May kakulitan pa nga ako ng mga panahong mga iyon dahil kung ano ano pa ang mga kalokohang pinaggagagawa ko. Ako ay masayahin kasi nung bata wala akong iniisip na problema. Naaalala ko noon nanlilibre pa ako sa kayabangan ko pati perang pamasahe ko ay ginastos ko na, dahil hindi ko na inisip yun ang sabi ko sa sarili ko “bahala na nga” noon ay nafeel ko yung tinatawag na 123, ako ay tinatawanan ng mga kaklase kong kasabay, dahil nga sa gastusera ako hahaha..at ng sa pagkakataong ito,ako ang napiling gumanap na Donya Valerina sa Ibong Adarna na dula dulaan na proyekto namin sa asignaturang Filipino I.Hindi ko inaasahang ako ang naging first sa pagganap,sapagkat wla pa akong tiwala sa sarili ko.Gayun pa man ay laking tuwa ko ng binigyan ako ng pag alala bilang sa pinaka mahusay gumanap.     At nang mag Second year ako, wala ako sa mood sa pag aaral kaya't ako ay may pa emo-emo pang nalalaman hahahaha…. Lahat na lang ng mga kaweirduhan kong pinag-gagagawa. Ako ay napabarkada kasi kaya’t nagiging bad girl ako noon.

me with party pips
  At nang mag 3rd year naman ako eto yung hindi ko malilimutan. Ako ay nagkaroon ng hindi malilimutang mga kaibigan,sila ay masayahin sa pagiging 3rd year ko dahil nga sa kaklase kong puro kalokohan. Dahil sa taglay nilang kasalawan pero masasaya naman. Ang seksyon namin ang bukod tanging kinaaayawan ng mga guro dahil nga sa magulo, laging maingay ang classroom at laging makalat sa silid. Hinding hindi ko malilimutan ang pagkainis sa amin ni Mrs. Gonzales ang guro namin sa English III. Dahil sa talagang ayaw niya sa amin at nung mag unang pasukan, ako agad ang kina inisan niya kasi lagi nalang akong tumatawa sa klase niya. Pero nung tumagal ay nawala naman na ito simula ng ako na ang ilalaban sa tula sa English medyo gumaan na ang pakikisalamuha ko sa kanya. Naalala ko noong dati ay lagi kaming pinapagalitan at sama-sama kameng sinesermonan ng mga guro. At nung minsay nag-away sa classroom namen ang mga kaklase’t mga kaibigan ko. Lahat sila ay na guidance buti nalang ako ay hindi nakasali sapagkat hindi ako nakikipag-away dahil mabaet ako :). Pero nang maka-ayos na tinawag nila ang samahan namin ng “Party Pipz”dahil mahilig sa mga kasiyahan. Kaya naman hindi malilimutan ang 3rd year.

with my friends
   Eto na ng mag 4th year naman ako napahiwalay ako sa mga kaklase ko ng 3rd year dahil 3F ako naging 4E na.Noong una ay ayokong maging 4E dahil nga sa mapaphiwalay ako sa kanila. Siyempre hindi naman pwede no choice ako hehehe.. pero pinipilit ko naming maging masaya, at nangyari naman. Masasaya din pala ang mga bago kong kaklase may kalokohan ding taglay. At dito ko na nakilala ang mga kaibigan ko na sina Christiana Galang, Krystal Gutierrez at Bernadette Ilagan. Masaya kame palage kapag kame ang magkakasama hindi ko din malilimutan ang 4th year dahil sa lahat nalang ng mga gimik na ginagawa namin at pati na rin yung sa lovelife,syempre mawawala ba nman yan ..hehe. Lahat na lang ng mga gimik ginagawa namen at mga kalokohan naming tatlo ay puno ng kasiyahan. At lagi kaming magkakasama san man pumunta. Kaya nga tinatawag kaming triplets at tres dalyas hahaha.Dahil sa style ng buhok naming parehas maiigsi.at pag minsan ay kasama pa nmen si VJ Vitriolo na sobrang kulet.. . At ang lakas ng appeal namen sa mga tao haha. Well Well Well, may sense of humor talaga kame the best talaga ang 4th year. Lahat na lang ng feelings ay mararamdaman muna.
ako at sya. :))) <3
At dito ko rin "SYA" nakilala ang pambihirang nilalang na nakilala ko haha..Siya ang isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.Bagamat mabait,masayahin,malambing at makulet din gaya ko,kaya naman love na love ko eh.hihi..naku kapag sya ang kasama mu,palage kana lang tatawa..kase may sense of humor din hehe..






 Masarap talaga ang buhay hayskul.Sana hindi na lang natatapos ang hayskul ..haha meganun?? Dito ko na tinatapos ang aking pagkukuwento ng aking talambuhay. Ito ang aking kuwento, simple pero MASAYA :)))))



eto nako ngaun ! ^^,




   POLAh. ♥





Lunes, Pebrero 21, 2011

"Ang Babaing may Pahed" by Mutya Aquino Astrologio

                                                          ako sa kasalukuyan sa aming bahay,,
me :) high school
        
 Ako si Mutya Astrologio,isinilang ako sa Hospital ng San Pablo noong October 15,1995,ang aking mga magulang ay sina Ronnie Astrologio at Marisol Astrologio.Ang aking ama ay tubong Ilocos sur,samantalang ang aking ina naman ay sadyang taga Laguna. Sila ay nagkakilala dito sa San Pablo dahil ang aking ama ay nagtarabaho dito,sila ay nagkakilala dahil nagtitinda sa isang bakery ang aking ina,bumili daw ang aking ama sa bakery na yun at dun nabuo ang kanilang pag-iibigan at di sa kalaunan ay nagbunga ang kanilang pagsasama ng 5 anak .Una ay Mark na 22 years old na,siya ay nag aral sa paaralan ng San Marcos,at nag high school sa Dizon high siya ay hindi nakapag college dahil masyadong kulang sa financial , sa ngayon siya ay nagtatrabaho sa Botica at nag iipon ng pera upang makapag aral ng kolehiyo.Ang sumunopd naman ay si Nico na 10 years old na,si Benzar ang pangatlo na 17 years old ay parehas na nag aral na elementary sa San Marcos,ako ang pang apat at ang bunso ay i Mekyla na 5 taong gulang pa lamang at sa darating na pasukan ay mag aaral na ng Day Care........


Ako ay bininyagan sa simbahan ng Del Remedio na 6 na buwan pa lamang kasama ang aking mga magulang at ang mga ninang at ninong ko sa binyagan na yon.pagkatapos ng binyagan ay mayroong isang salu salo sa aming bahay, nadoon ang aking mga ninang at ninong at ang iba pa naming kamag anak.Noong ako naman daw ay nagdaos na aking unang kaarawan ang sabi ng aking ina ay marami daw mga bisita ang pumunta ,sabi nila ay nagiong masaya daw. Angaking 1st birthday ay hindi masyadong marangya ang naging pagdaraos.Maraming regalo ang aking natanggap sa aking unang kaarawan nayon...


Limang taong gulang ay nag aral na ako ng kinder sa San Marcos elim. school.Madami akong naging kaklase.Tuwing akoy papasok ay lagio akong inihaatad ng aikng ina dahil bata nag ako ay baka daw maaksidente.Pagkatapos ko mag aral ng kinder, akoy pumasok na ng grade 1, masaya,madaming akong naging kaklase natatandaan ko pa nga ang guro ko pa nun ay si mam Talatala na mabait sa amin pero minsan ay nagiging mataray kasi maiingay at makukulit kami noon,syempre ang grade 1 ay mahilig pang maglaro at mag ingay.Tuwing bakasyon bibihira akong nasa bahay namin,palagi akong nasa bahay ng pinsan ko,tuwing akoy nasa bahay nila palagi kaming naglalaro ng kung anu ano.Kapag oras na kg kainan o paligo lagi akong sinusundo na aking ina, minsan pa nga ay napapagalitan pa ako dahila lagi na lang daw akong wala sa aming bahay.Ganyan lang ang buhay ko tuwing bakasyon noong bata pa ako.


Pasukan na naman Grade 2 na, nakapaninibago dahil yung kaklase ko nung grade 1 ay hindi ko na kaklase ng grade 2.Myroong mga baging transferred na estudyante kaya hindi pa kami noon close.Kapag nandyan na ang bago kong guro akoy tahimik lamang dahil hindi ko pa alam kung anong ugali ang mayroong sa guro ko.Ang pangalan pa nga ng teacher ko nun ay Mrs.Natividad, matand na kaya palaging nagagalit,mabagal ng kumilos kasi matanda na may pag kaulyanun na.Habang tumatagal ay nagiging ka close ko na aking mga kaklase,kaya habang tumatagal ay nagiging maingay ang aming klase,kya minsan nagagalit ang aming guro,.Palagi pa rin akong sinudundo ng aking ina sa paaralan..


Nung grade 3 ako masaya ang unang arw ko sa school kasi naging kaklase jko ang aking pinsan na si mean,kaya noong araw na yon masya at may kasama na ko kaagad..Tuwing papasok umaga at papasok na ako ay hindi na ako hinahatid na aking ina dahila nagsasakay na ako at kasabay ko pati ang aking pinsan, natatandaan ko pa nga nun ang pamasahelang ay piso lang mura pa hindi kagay ngayon na ang mahal na,sana ay hindi na tumaas ang pamasahe...




Noong bakasyon noon, ay pumayag ang aking ina ay ama na sa Bicol ako magbakasyon sa abahay na ninang ko.Msayang masaya ako ako nun kasi first time kong hindi mababakasyon sa amin.Excited ako na pumunta sa Bicol dahi gusto kong makita kung gagano kaganda ang Bicol.Araw na ng pag alis namin ,tanda ko pa nun ng niloko ako ng aking tita na ang sabi ay nakakalis na daw ang aking ninang at akoy naiwan na daw dahil ang tagal kong dumating,pero hindi ko alam na niloloko lang nila ako at hinihintay na umiyak ako, at nung umiyak na ako ay lumabas na sila at pinagtawanan nila akomg lahat.Noong nasa biyahe kami ay masaya ako,kasi hindi ako pinapabayaan ng aking ninang palagi niya akong tinatanong kung nagugutom na ako.kapag naandar na ang bus o kay ang tren ay tinitingnanko ang paligid,lalo na nung nakasakay kami sa van,dumaan kami dun sa tinatawag na bituka ng manok,nakakahilo kasi paikot iko.Nakarating na kami sa bahay ng ninang ko,nagpahinga muna ako kasi napagod ako sa biyahe.Isang arw niyakag akong ninang ko na maligo sa ilog,syenpre sumama naman ako kasi first time kong maliligo sa ilog,malamig ang tubig.Pagkatapos maligo ay kumain na kami ng tanghalian, ang sarap na pagkain.Lgi nila akong sinasama sa ibat ibang lugar,at yun araw na ng pag alis namin sa laguna.Excited din ako sa pag uwi namin kasi gusto kong ikwento sa magulang ko kung ano ang nangyari sa akin sa Bicol,at marami kaming pasalubong sa kanila .Pgdating ko sa bahay namin nagkuwento agad ako,natuwa sila at hindi naman daw ako naboring dun.Tapos na ang bakasyon.


Pasukan na naman ganun ulit bagong kaklase at bagong teacher na naman.Habang tumatagal ay nagiging close ko na ang aking mga kaklase..Natatandaan ko pa nga nun nung may makaaway akong kaklase dahil sinabi ko lang naman na wag siyang maingay ayun nagaliy sa akin,muntik na ang akong umiyak eh pinigilan ko lang..


Bakasyon noon ng akoy sumama sa aking kaibigan na hindi ko naman alm kung saan pupunta,ang layo ng nilakad nami,nakaabot kami sa san mateo naggala lang kami dun.Pagkadating ko sa amin ay galit na galit ang aking ama,dahil hindi man lang daw ako nagpa alam kaya ayon napagaliltan ako..


Grade 6 ako,masaya ako dahil nakaabot ako ng grade 6,nag igi talaga ako sa pag aaralupang makagraduate,dahil kung hindi ko pag iigihan ang aking pag aaral ay hindi ako makakagraduate at sayang naman ang isang taon at magagalit pati ang aking magulang. Graduation noon at tuwana tuwa ajko dahil matatanggap kop ang aking diploma,akoy kinakabahan nung tinawag na ang aking pangalan ko upang umakyat sa stage.Natapos din ang aking kaba nung makababa ako sa stage tuwang tuwa ako dahil nakagradute na ako..




High school na ako sa, Dizon high ako pumasok g first year,unang araw ng pasukan,kinakabahan pa ako nun kasi hindi ko pa alam ang room ko at ang pasikot sikot doo sa Dizon high,pwero nung tumatagal nagiging masaya.Tandang tanda ko ng first time ipatawag ang aking magulang dahil akoy nag cuttinhkasama ang iba ko pang kaklase,takot na takot ako nun kasi alam kung papagalitan ako na aking magulang.Valentines pa ng pumunta sa school ang aking ama,kinausap siya ng teacher ko at sinbi kung bakit siya pinatawag.Hindi ako nagkamali dahilpagdating ko sa aming bahay ay napagalitan na agad ako ng aking ina at ama.Naiiyak ako nun at upang tigilan na nila ako ay natulog na kakagad ako.Mayroon pa ding akong ibang naging probleme noon first year ako,ginawan ko lang ng paraan upang matapos na.


Nung second year ako ay malungkot ako dahila bumaba ag aking section.Kasi ang section ko nung furst year ay I-C eh naging 2-D ako,Gusto ko nga nu magpalipat eh kaso bawal na daw,wala na kong magawa gutohin ko man ay hindi pwede.Nung umpisa kokonti pa lang ang kakilala ko pero habang tumatagal nakikilala ko na sila at nagiging close na kami.Ang tezcher ko pa nga ay si Mam Bidula buntis pa siys nung naging tezcher ko.Nung nag Florante at Laura kami ay hindi na akami pinasali dahil wala naman daw koopereasyon,kaya ayon hindu na kami pinasali.Ang pinagawa na lang sa amin ay sauluhin ang buod ng Florante at Laura,hindi pwedeng hindi sasauluhinat hindi makakapasa.Naging masaya naman ako nung 2nd year pero hindi lahat ng oras at araw ay palaging masaya.Pati sa bahay namin madalas akong napapagalitan dahil napaka tamad ko daw,kaya minsan masama ang loob ko sa aking magulang dahil lagi na lang silang galit sa akin.Hindi ko sila maintindihan kung sakin sila nagagalit o kung pinag bubuntunan lang nila ako ng galit.Minsan nagagalit ako sa aking magulang dahil kapag kapatid ko halimbawa ang may kasalanan ay sa akin sila nagagalit kaya minsan naiisip ko kung mahal ba nila ak.Kahit hanggang ngayon ay ganito pa rin sila sa akin,lagi na lang kaming nag aaway na aking magulang dahil minsan napapasagot ako na maliat nagiging pilosopo minsan
Lagi lang ganyan ang buhay kokapag ako walang pasok. 

ako at si eden sa corridor
ako at si danica noong concert
ako at si jhay m yung crush ko
ako at ang kapatid ko si kyla
 Nung 3rd year ako bumaba ulit ang section ko dahil hindi ako nag igi sa pag aaral kaya ayon bumaba ang section ko.Dati nung umpisa ayaw ko sa section na E,hindi ko alam kung bakit basta ayaw ko lang.Kagaya nung 2nd year no choice ako hindi pwedeng magpalipat ng section.Habang tumatagal naisip kong nagkamali ako,hindi ko alam na ganun pala kasaya sa section na yun,hindi lang maingay maingay na maingay kaya naging m,asaya ako nung 3rd year.Masama pa lang nagsasalita ng tapos nagsisisi sa sa mga sinasabi sa huli.


Nung bakasyon dapat sa Manila ako magbabakasyon ay hindi lang natuloy dahil hindi ako pinayagan ng aking ina,wala naman akong magawa,kailangan sumunod sa kanila,kaya gustuhin ko man ay hindi pwede.Nung bakasyon sa amin, minsan nakakaboring,kaya minsan napunta na lang ako sa bahay ng pinsan ko,may anak na baby kasi yon ginagawa kong libangan.


Ngayong 4th year na ako,malapit na grumaduate pinag iigi ko talaga para makagraduate at para matuwa sa akin ang aking magulang.Ganito lang ang buhay ko ngayong teenager ako..............,,,,,,,,hehehe






SALAMAT:}




MUTYA,,,,

Linggo, Pebrero 20, 2011

Talambuhay ni Nickomedes Valencia

SWIMMING TAYO! :D
Welcome to JOLLIBEE! :)

Garduate nako!! =)))

    Ahem!! Ako nga po pala si Nickomedes Valencia,labing pitong gulang.Pinanganak noong Setyembre 15,1993.Nakatira sa 98.m leonor st. San Pablo City.Ako'y medyo matangkad may kayumangging kulay  
at cute daw hehe.

     Magulang ko ay sina Analyn Valencia at Romeo Valencia.Isa lang ang kapatid ko,si Royce Valencia na labing walong taong gulang na.Ako ay nabibilang sa tinatawag na broken family.Sabi ni mama naghiwalay daw sila noong ako'y tatlong taong gulang pa lamang.Hindi naman sinabi sa akin ang dahilan.Minsan ko lamang nakikita ang aking ama.Kahawig ka daw sabi nang aking ina.
     Ako'y pumasok ng kinder sa Guadalupe Day Care Center.Napakakulit ko daw noong aakoy bata pa.Hindi daw ako pumapasok kung hindi maputi ang aking damit at pag walang pabango.Lagi ko rin daw dala
ang aking paboritong laruan.Masayang masaya naman ang aking ina nang ako'y natapos doon ng may karangalan.

     Nag grade 1 naman ako sa mababang paaralan ng Ambray.Hindi ako sanay noong una na wala si mama,kaya ako'y laging umuuwi pag hindi ko siya nakikita.Minsan naman tinutulugan kon ang aking guro,kaya
laging galit sa akin ang aking guro,parang tigre pag nagagalit. Noong grade 2 naman,natuto na akong makinig sa aking guro,kaya naman nagbunga ito, noong recognition ay nakatanggap ako ng karangalan.Pinagpatuloy ko ang maayos na pg-aaral noong akoy grade 3-5.
      Naaalala ko noong bakasyon nang grade 4 ay araw ng pagiging binata ang pagpapatuli.Akoy takot na takot pagnakikita ko amg mga kabataan
na nakahawak sa short nang matapos tulian.Kabadong kabado ako noon.eto na ako na,nakita ko,babae ang magtutuli sa akin,hiyang-hiya ako kaya ako'y lumabas,binuhat pa nga ako ng aking lolo para lang matuloy ang pagtutuli sa akin.Pg uwi namin ay inaasar ako ng aking mga tiyahin.binata na daw ako.

      Nagdiwang naman ako ng pinakamasaya kong kaarawan noong ako'y grade 6.Napakasayadahil nagdala si lola ng jollibee sa aking mga kaibigansa skul at para sa aking mga guro.Swerte nga at nagkadoble pa dahilnagdala din si mama.Tuwang tuwa naman ang aking mga kaibigan.Nagswiming naman kami kinagabihan.Napakasaya ko dahil nagdala si mama ng masasarap na pagkain.

       Noong ako'y grade 6 ako ay napabarkada.Hindi ko napaghusayan ang aking pagaaral.Lagi akong napapadamay sa mga gulo.Minsan nga napaaway kaming magbabarkada ,yun napagalitan kami ng aming punong guro.Natuto din akong magsugaltulad ng kara,tong-its,at iba pang sugal na hindi dapat ginagawa ng isang mabait na mag-aaral.Pero noong nakita babaeng gustong gusto ko ay unti unti kong inayos ang aking pag-aaral.Napansin din ng aking guro na tumataas ang aking mga marka.Ganon pala talaga yun,pag may inspirasyon ka ay kaya mong baguhin ang mga nakasanayang masamang bagay.Kaya naman noong babgitin ang aking pangalan sa isa sa pinakamagagaling sa aming paaralan.tuwang tuwa si mama kaya naghanda siya ng masasarap na pagkain.

       Pumasok naman ako ng 1st yir sa paaralan ng CLDDMNHS.Masaya rin ang pag-aaral dito,nagkaroon ako dito ng maraming kaibigan.Isa na rito ang naging matalik kong kaibigan na si Franz Cabuhat.Lagi kaming magkasama sa mga kakulitan kaya naman laging galit sa amin ang aming guro.

       Noong ako'y nakatuntong ng 3rd yir ay maraming masasayang bagay at malulungkot ang nangyari sa akin.Masaya dahil kasama ko parin ang aking mga kaibigan.noong kami'y ng-eexperiment sa science guro namin si Sir Legaspi.Isa sa kaklase ko ang nagdala ng blender upang gamitin namin sa experimento.Hindi ko naman sinasadyang matabig ito,kaya nalaglag at nabasag.Tumanggi ako sa ginawa ko.Ilang araw ding hindi ako pumasok.Nakagiliwan kong mag bilyar kaya lagi akong nagkakating sa mga klase namin.Papasok sa umaga,dederetso na ako sa labas at pupuntang bilyaran at uuwi na lamang pag alas singko na.Pirmahan na nang clearance hindi parin ako pumapasok,dahil natatakot akong malaman nang aking ina,dahil alam kong mahal ang blender na iyon,kaya naisip ko na lamang na tumigil.Hindi ko naman alam na ako'y nakapasa pa,at kailangan ko na lamang na magpapirma ng clearance upang makapag-4th yir.Dahil sa katamaran hindi ako nakapagpapirma kaya hindi ako nakapasok.Kaya naman ngdesisyon ang aking ina na papuntahin na lamang ako sa Maynila,sa bahay ng aking tiyahin at para makaiwas sa barkada.

        Sa Pasig,Manila ako nagbakasyon,tumutulong ako sa gawaing bahay doon.Tumutulong din ako sa pagdadala ng mga paninda sa palengke doon.Kaya naman lagi akong nabibigyan ng pera ng aking tiya,pambili ng aking mga damit.

        Nawili ako doon dahil tuwing mayroong may kaarawan ay lagi kaming nag aawting.Tulad sa laiya,doon kami nagrent ng rest house los balcones ang pangalan ng bahay.Napakaganda doon dahil kumpleto sa gamit at napakalaki pa.Mayroong bilyaran,sugalan,basketbol kort,video games, madami at malalaking kurto,private pool,malinis at malaking kusina at napakalapit sa beach.Kaya naman hinding hindi ko malilimutan.

       Noong kaarawan naman nang aking tiyuhin ay nagpunta kami sa Dalampasigan Beach Resort sa Saria Quezon.Napakasaya din doon ako unang natutong ma-inom,nalasing nga ako nun at napasuka sa buhangin.Buti nalang hindi nalaman nang aking tiyahin.Napakasarap din nang tabunanang buong katawan nang buhangin at naka labas lang ay ang ulo.Mainit sa pakiramdamat mahirap huminga.Kinagabihan sina mama naman ay nag-inom din kasama ang mga kaibigan niyang babae.Kinagabihan ay nagpunta rin kami sa may malapit sa beach ,gumawa kami ng bonfire doon,masaya dahil ngkwekwentuhan kami habang na-iinom ang aking mga tiyuhin.Kaya naman ay hinding-hindi ko malilimutan ang mga karanasan sa Maynila.

       Umuwi naman ako nung enrolan nang ng 4th yir upang makapagtapos ng pag-aaral.Nakapag-enrol  ako at naging pangkat ko ay 4e.Masaya noong unang pasukan kahit wala pa akong kakilala.Magulo kaya masaya. Unti-unti ko rin silang nakilala,kaya nagkaroon ako nang maraming kaibigan.May kumuha pa nga nang cp # ko ih. 4f pala yun,nakakatext ko pag minsan.Pero yung barkada niya ang naging gf ko.Masaya ako pag kasama ko siya,kaya nga lang hindi rin nagtagal.Masaya na mahirap ang nararanasan ko ngayong 4th yir.Alam kong marami pang mangyayaring maganda sa buhay ko.Sana ay makatapos ako nang pag-aaral at makapagtrabaho.Makahanap din sana nang magandang tabaho.At sana mahanap ko rin si Miss.Beautiful para sa akin... hehehe
    

I Was B orn to be "Eden" :) - Ang Talambuhay ni Eden Joy Caguite


   Ako ay si Eden Joy Albay Caguite.Nakatira sa Brgy.San Diego Lungsod ng San Pablo. Ipinanganak noong Setyembre 13,1994. Ang aking mga mapagmahal na magulang ay sina Eduardo L. Caguite ang aking ama at si Ofelia A. Caguite ang aking ina. Ako ay bunso sa apat na magkakapatid meron akong isang ate na si April C. Torres at meron din akong dalawang kuya sila ay sina Arwin A. Caguite at Leo A. Caguite.Lahat sila ay nakapagtapos ng kolehiyo. At ngayon may sari-sarili na din silang pamilya. Ang ate ko ay may isang anak si Simone Gabriel C.Torres, tatlong taong gulang. Si kuya Arwin ko naman ay may isa na ding anak na si Paul Matthew Caguite, dalawang taong gulang. May isa ding anak si kuya Leo ang pangalan naman ay si Stephen William U.Caguite, isang taong gulang. Nagkataong lahat ng mga pamangkin ko ay puro lalaki na sobrang kukulit at malulusog.haha..=))

   Malaki ang pasasalamat ko sa Panginoong Diyos dahil ipinagkaloob niya ako sa aking mapagmahal at napakasuportadong pamilya. Dahil doon wala na akong mahihiling pa. Mahal na mahal ko sila.

  Nang ako ay bata pa sabi ng aking ina marami daw ang natutuwa sa akin dahil para daw akong bola bilog na bilog sa sobrang katabaan.Kaya daw pagkatapos nila akong buhatin o kargahin ngalay na ngalay daw ang kanilang mga braso sa sobrang kabigatan ko..hahahaJ

   Tuwang tuwa daw sa akin ang mga ninong at ninang ko sa binyag sabi ng lola ko.Lalong lalo na ang aking ninang attorney.Kaya ninang attorney ang tawag ko sa kanya dahil isa siyang attorney o abugado.Siya ay si Loida G.Capuno pero hindi na siya attorney ngayon,isa na siyang Judge o tagahatol.Kaya ang tawag ko na sa kanya ay ninang judge na.hehehe.=)

   Sabi ni Madir simula may isang taon ako hindi ako nawalan ng keyk at lobo.Kasi hindi daw napayag yung lolo ko na hindi ako ipaghanda.Hanggang may pitong taong gulang ako laging may keyk at lobo.Pero pagdating ko ng walong taong gulang.tanda ko noon nung nag birthday ako wala ng keyk at lobo pero may handa naman.Sabi ni Padir,kaya daw hindi na nila ako binili ng mga yun kasi malaki na daw ako.Kaya kina-cash na lang nila para daw naman may pambili ako ng mga gusto ko at para naman daw mailibre ko na rin yung mga kaibigan ko.Hanggang ngayon sa kasalukuyan ganun pa rin yung nangyayari kaya laging Solve ang aking birthday..=)


ANG AKING PAG-AARAL:


  Nagsimula akong mag-aral noong tatlong taong gulang pa lang ako.Summer School sa IGLESIA NI CRISTO.Ang teacher ko pa noon ay si Mam Alunan na sobrang Taray!nakakatakot kaya hindi ko sya malilimutan.

   Pagkatapos nun nag-aral naman ako sa San Diego Elementary School ng Daycare.Apat na taong gulang naman ako nun.,tapos ang teacher ko pa ay si Mam Eseo na sobrang bait.Sa tuwing may magbibirthday sa amin lagi syang may regalo na hotdog pillow.Kaya tandang tanda ko siya.

   Pagkatapos ko gumaraduate doon.Pumasok naman ako sa Sta.Isabel Little Angel Learning Center sa Adventist yun.Limang taong gulang ako noon.Teacher ko doon si Mam Batralo,siya ang pangalawa sa mga naging teacher ko na mataray pero mabait naman pag minsan.At ang pinakagusto ko pa noong nag-aaral ako doon ay yung sa tuwing awasan ang diretso naming ni madir ay sa Jollibee.Lagi ako pinag jojollibee ni madir lalong lalo na pag tuwing pagkatapos ng exam.tapos isa o tatlo lang ang mali ko diretso na agad kami sa bayan para kumain.Tapos nung graduation day na nabigla si Madir kasi hindi nya inaasahan na isa ako sa mga honor.Kaya sobrang memorable yun sa kanya.Kasi wala talaga syang kaalam-alam.hehehe…

   Pagdating ko naman sa Elemtarya sa San Diego School ako pumasok.Simula unang baiting hanggang makatapos ng ika-anim na baiting.Ang guro ko nung unang baiting ako ay si Mam Caperina na ngayon ay retired na at nasa ibang bansa na.Tapos nung ikalawang baiting naman ay si Mam Capistrano na ngayon ay nasa langit nasa piling ng Panginoong Diyos.Nung ikatlong baiting naman ay si Mam Bathan na hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin,Isa yun sa mga paborito kong guro nung nasa elementarya ako kasi sobrang bait niya.Tapos nung nasa ikaapat na baiting na ako .ang guro naman ay si Mam Montoya na sobrang seryoso sa pagtuturo pero nakikipagbiruan naman pag oras nang biruan.At si Sr.Vista naman ang teacher ko nung nasa ikalimang baitang ako .Siya lang ang kaisa-isang kong naging guro na lalaki nung nasa elemntarya ako.Tapos ang huli ko ng naging guro ay si Mam De Guzman tulad din siya ni Mam Montoya.Ang pinaka paborito kong subject noon ay (GMRC) Good Moral and Right Conduct madali kasi..hahaha..=)Malaki ang naging papel ng mga teacher ko nung elementary sa akin kasi dahil sa kanila mas naintindihan ko yung mga bagay na hindi ko pa nalalaman.

   Tungkol naman sa aking mga kaklase ko noong elementary.Masaya ako dahil nakilala ko sila.Sa totoo lang kilalang-kilala ko sila kasi simula Grade 1 hanggang garde 6 kami-kami ang magkaklase.hahaha..walang sawaan.kaya mahaba-haba rin ang aming mga pinagsamahan.Ang maganda pa doon magkakaibigan pa rin kami hanggang ngayon.kahit hindi na kami magkaklase at kahit iba-iba na kami ng pinapasukang school.Nagkakasama-sama pa rin kami tuwing bakasyon,Tapos sa tuwing makikita naming ang isa’t-isa ang paboritong linya lagi ay ‘LIBRE NAMAN DYAN’”o kaya kung ano na lang ang maisip tulad ng biglaang pagpaplano ng pagswi-swimming o kaya naman pupunta sa mga bahay-bahay naming lahat at magtatakaw.Kaya Masaya ako kasi naging kaibigan ko sila at naging parte sila ng buhay ko.Para sa akin “Frienship is a wondrous thing,in all God’s gifts it is the best….”

   Nung First Year na ako nung unang day ng pasukan ang hirap makipag kilala kasi nakakahiya.Pero nung nagtagal-tagal marami na din akong nakilala at naging kaibigan.Tapos nagsimula na din yung mga paggawa ng mga pangalan ng mga grupo kunwari Angel Demons at marami pang iba.masaya pa lalo pag magkakasabay kami kumain ng tanghalian tapos sabay sabay din umuwi habang nagkukwentuhan.Pero hindi maiwasan sa isang grupo ng magkakaibigan ang awayan o tampuhan,kahit ganun pa man nagkakaayos pa rin kasi hindi matiis ang isa”t isa.Ang paborito kong teacher noon ay Sr.Dennis Lacsam=).Kasi sobrang galing niya magturo.Kung paano bigkasin ng maganda ang isang salita.kaya laging nananalo ang mga ipinanglalaban nya sa bigkasan.At pag si Sir nagalit,galit talaga pero pag biruan,nakikipagbiruan talaga.Hindi ko naranasan pati ng mga kaklase ko dati na magduladulaan ng Ibong Adarna.Kasi imbis na sumali kami dun,pinagawa na lng kami ni Sir ng tula.At hindi lang basta-basta ang paggagawa ng tula.kailangan punto por punto.Kaya sobrang hirap gumawa ng tula.Pero kahit ganoon nakaya ko pa rin naman..hahaha…

   Pagdating ko naman ng 2nd year mga bagong kaklase ang nakilala ko kasi bumaba ang seksyon dahil nahuli na ako nag enroll.kaya sa mababang seksyon ako napunta.Pero ayos lang kasi hindi naman mahalaga kung anung seksyon mo,ang mahalaga nakakapasok at nakakapag-aral ka.di ba?:)Masmarami pa nga akong nakilala eh kaya nadagdagan ang mga kaibigan ko.Tulad nung first year ako,hindi ko din naranasan pati ng mga kaklase ko ang magduladulaan ng Florante at Laura.Dahil nagalit sa aming lahat si Mam Bidula kaya yun hindi na kami pinasali.Ang paborito ko namang teacher noon ay si Mam Delos Angeles kasi malinaw niyang ipinapaliwang ang mga aralin naming tungkol sa Agham.

   Nung mag 3rd year naman ako mga bagong kaklase ulit ang aking mga nakilala kasi bumaba ako dahil sa hindi ako masyadong nag seryoso noong 2nd year ako.kung hindi ako bumaba eh di sana hindi ko nakilala ang mga baliw kong kaklase.Joke lng ha!hahahaha…Ang turingan naming lahat sa loob ng silid aralan ay parang tunay na magkakapatid na rin.Kasi sama-sama,tulong-tulong kami sa mga gawain.Tulad na lang sa pag-iingay,sa kalokohan at higit sa lahat tulong-tulong sa pagsasagot.haha..pagmahirap lang naman ang test namin at hindi naman lagi.Tapos ang tawagan namin ay “bespren”Kahit hindi pa gaanong ka-close pati ibang seksyon tinatawag din naming bespren.At dito naranasn din naming ma-guidance lahat dahil sa kaingayan.kaya pinarusahan kami.Pinaglinis kami sa buong campus.Dahil sa naranasan naming maparusahan.Natuto kami na huwag ng mag-iingay ng sobrang malakas.kaya simula nun hindi na kami gaanong nag-iingay.haha..Ang paboritong kong teacher noon ay si Mam Quides dahil sobrang bait niya,ang turing niya sa amin parang mag anak na.

   Ito na ngayon ang kasalukuyan 4th year.kami-kami pa rin ang magkaklase kaso may tumaas at may bumabang seksyon.Yung iba napunta sa D tpos yung iba naman nasa F na. Pero may mga pumalit naman sa kanila yung mga dating D at F napunta ngayon sa seksyon naming E.Halos nagpalitan lang sila.haha..Napahiwalay man sila sa amin, magkaka-close pa rin kami tulad nung mga nagyari sa 3rd year,sama-sama pa rin kami sa ingayan,kalokohan,kakulitan at higit sa lahat tulungan sa tuwing may exam.hehehe..Hindi ko man naranasan pati ng mga kaklase ko dati na mag ibong adarna at florante at laura.Naranasan ko naman pati ng mga kaklase ko ko ngayong 4th year na mag cheerdance,sumayaw noong magbubukas ang SM San Pablo at kung anu-ano pa.pero nung JS hindi ako sumali kasi hindi kasali yung isa sa mga bespren ko,kaya hindi na rin ako sumali para may kadamay siya.Kami lang dalawa ang hindi kasali sa aming lahat na magbebespren.Pero ayos lang yun kasi kasali naman kami noong nakaraang taon,kaya naranasan din naman naming yun.Ang mga paborito ko nayon teacher ay sina Gng.Audije-Filipino, Mam Magtibay-English, Sr.Vasques-Science, Mam calanasan-Araling Panlipunan, MamDadivas-Math, Mam De Catro-Values. Mam Aquino-TLE, Sr.Marfori/Sr.Victorio-Mapeh at higit sa lahat si Sr.Dennis Lacsam-Computer. Lahat pala paborito ko.=)

   Hindi pa man ako nakaka-graduate nagpapasalamat na ako sa kanilang lahat dahil sa mga kaalamang itinuro nila sa akin. At sa pagiging parang pangalawang magulang ko na rin sa loob ng paaralan.At sa pagpasok ko ng kolehiyo hindi ko kakalimuta na isa ako sa mga produkto ng Col. D. Dizon Memorial National High School. ”Proud to be from Dizon”



 







My Graduation

Happy 1st!

nung baby pa ko:)

My Christening

graduation :>

                                                             

Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Edrin Escartin

My Mama dear! 
                          
        Ako si Edrin Escartin,ipinanganak ako sa San Francisco Calihan dito rin ako sa bayan  ng San Pablo Laguna.Ako ay labing pitong gulang na, ipinanganak noong Pebrero 7 1994. Ang mga magulang ko ay si Nancy  Escartin at Edwardo Escartin.Ang aking ina ay taong bahay lang ang aking ama ay isang construction worker.Ako ay masaya dahil nabigyan ako ng mababait at mapagmahal na magulang.Ako ay bunso sa apat na magkakapatid,dalawa kaming lalaki at dalawang babae.Ang dalawa kong kapatid na babae ay meron nang mga asawa.Ang pagkakaalam ko nung ako ay bata ay aampunin sana ako nang aking tiyahin, pero dahil                          sa sobrang mahal ako ng aking ina ay hindi siya pumayag ako ay bininyagan sa malaking simbahan ng San Pablo madami akong mga ninong at ninang. Medyo mataba pa ako kung titingnan sa aking litrato. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng aking mga ninong at ninang ay iisa lang ang kilala ko at iyon ay si ninong Robert. Pero siya rin ay umalis at pumunta ng Visaya sa kadahilanang siya ay nakapatay dahil sa kalasingan. Hanggang sa ako ay lumaki na at mag kamalay sa buhay ay hindi ko na siya nakita pa.

            
Parteh! Parteh! :D
Eto ako ang una kong  kaarawan.Di ba mataba pa ako eto ako ngayon nanga-ngayayat.Di naman kapos
sa pagkain.Ewan ko ba baka sadyang ganito ang tadhana ko.Minsan din akong iyakin at masaya din pag minsan.Pag ako ay nagising ng wala sa oras ay iiyak ako ng matagal dahiil nga sa bata pa ako ay hindi ko mapigilang umiyak,lalo na ako ay mahiyain din.






   Bago ako pumasok ng Grade 1 ay tinuruan na akong magsulat ng aking ina gamit ang mga tuldok. Ako ay pumasok sa paaralang elementarya ng Ambray, ako ay sobrang kinakabahan dahil sa unang araw ng pagpasok. Marami akong naging kaibigan, ang naging guro ko ay si Mam.Manicad kapag walana kaming ginagawa ay pinapatulog kami kahit saan mang sulok ng silid aralan o kaya naman tinutulungan namin ni Jeffrey na maglampaso sa office at maglinis ng CR ang aming principal. Lagi akong hinahatid ng aking ama at dinadalhan naman ako ng aking ina ng aking kakainin para sa tanghalian. Minsan may oras akong napaihi sa saluwal mabuti na lamang nung nangyari iyon ay awasan na.Umuwi ako noong basang-basa ang saluwal.Dahil
sa hiyang inabot ko ay parang ayaw ko ng pumasok pero pinilit ko. Ng malapit nang magtapos ang paghihirap ko sa pagiging Grade 1 ay binanggit na ni mam na ang maaaring mabigyan ng sabit at ako ay
napasali dun bilang isang masikap na bata.Sobrang saya ng aking ina

   Dito rin ako nag Grade 2, at ang naging guro ko ay si Mam Lim isang singkit na maputing babae. dito ko nakilala ang babaeng nagpatibok ng aking puso ito ay si Lyka. Dahil sa nagustuhan ko siya ay lagi ko siyang
isinusulat ng aming mga lecture. Ako kasi ang pinakamabilis na magsulat sa aming magkakaklase.Dito ko rin nakilala si Marivic ang pinakamataba naming kaklase.Lagi siyang nanlilibre ng pagkain tuwing recess.Kaya hindi ko siya makalimutan.
                   
   Nung Grade 3 naman ay isang guro na maputi at matanda na si Mam Abril. Dito na ko natutong magsulat gamit ang ballpen.Ang dumi ng aking mga notebook dahil sa pamali-mali ang mga sulat ko.Grade 4 ay nakilala akong madaming babae.Ang aking guro ay si Mam Delamar mataray kung minsan at adviser sa English Grade 5 naman ay malapit na akong makatapos ng pag aaral dito natutunan na rin namin ang saya sa kidsprom.Isinayaw ko ang aking mga crush.At sa hindi inaasahan ay nadapa ako dahil sa kahahabol sa aking crush.madami ang nakakita at ako ay napahiya.Kumuha na kami ng mga babae
para isayaw.Picture taking at iba pa.

YAHOO!!
 Nang ako naman ay naging Grade 6  si Mam Kuhonta na yata ang pinakamabait pero mataray din pag minsan.Siya ay nagtampo sa aming magkakaklase dahil sa sobrang ingay namin.Hindi man lang siya pumunta
sa aming silid aralan.Lagi siyang nasa bestfriend niya na si Mam Dionglay.
Dahil doon nalungkot kami sa nangyaring iyon.Dumating ang araw na kami ay magkakahiwa-hiwalay na.marami sa amin ang nagpapaalam na sa isat'isa.Ako rin ay napatulo ang luha dahil mamimis ko ang aking kaibigan at mga guro. Sa huling sandaling iyon ay nayapos ko ang crush ko,at nagpaalam sa kanya.Naghanda ng kaunting salu-salo para sa aking pagtatapos.










  Panimulang pagsubok ang dumating sa akin ng ako ay papasok na ng HighSchool.Ang ilan sa mga kaklase ko ay nakita ko rin dun para mag paenroll. Ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon.ang una ko ditong naging guro ko dito ay si Mam. Brinas.Marami kaming mga nilalabanan na mga kompetisyon,laging nakakapasok sa umpisa pero talo sa huli.May mga umiiyak na mga kaklase kong babae.Dito rin ako pumasok ng Second year .Ang naging guro ko dito ay  MAm.Rivera,mabait siya kahit kami ay maingay.Masaya kami noong kami ay lalaban ng Florante at Laura.Pero hindi namin ito napaghandaan kaya kami ay natalo.Noong third year naman hindi pa namin kilala ang isat-isa dahil marami ang nabago sa aming mga kaklase.Ang naging guro ko dito ay si Mam Baylon mataba,mabait at palatawa.Isa nayata siya sa pinakapaborito kong guro.Hindi namin alam na kami ay mapapasali na sa Juniors and  Seniors prom.Wala kaming ideya kung anu ang susuotin ayon pala ay simple lang.Dahil sa ako ay mahiyain hindi ako sumayaw pero masaya narin ako at madami akong nakitang magagandang babae.Ngayon ako ay nasa ika apat na taon na dito sa Dizon High.Malapit na ang aming hinihintay na pagtatapos parang saglit ang isang taon dito sa eskwelahan.Sumali at nagsaya sa JS prom namin,pero tulad ng dati hindi ako sumayaw.Masaya narin ako dahil mababait ang guro na nagtuturo sa amin at nagtitiis kahit kami ay maiingay at magugulo.Kulang man ang ensayo para sa cheerdance ginalingan na lang namin hanggang sa aming makakaya.Dahil dun nagbunga ng maganda,kami ay nagpangapat sa mga nanalo.Dahil tuwang-tuwa na rin kami at may nakuwa sa aming pinaghirapan.Parang pag hindi inaasahan may surpresang darating,konting dasal lang at konting pagtutulungan para sa ikagaganda ng lahat.Kami ang 4-E,eto na kami magulo pero may pagkakaisa eto rin ang aking talambuahy minsan may oras na malungkot may masaya at magulo.                                                                     
Happy Friends.